Mga Eksena Sa Loob ng Jeep

6:12 PM

^_^
Sa araw-araw ko na yatang pagsakay sa jeep papuntang eskwelahan hindi maipagkakait na kabisado ko na ang mga scenaryo, sitwasyon, mga pangyayari, mga ibat-ibang kaganapan na sa tingin ko'y sa loob lang ng isang jeep mo makikita o maoobserbahan.
Mga bagay na sa tingin ko'y walang katuturan o kung tutuusi'y mga bagay na normal lang sa tingin ng iba pero kung titingnan ito sa mas malalim na pananaw bakit nga ba umiiral ang mga sitwasyong ito ? na kung minsan ito'y naging katawatawa.
Nandito ang ilan sa mga sitwasyong aking naoobserbahan;
•mga pasaherong nakikibasa ng text sa iba.
•mga pasaherong text ng text kahit wala namang load masabi lang na may katext.
•mga pasaherong mahilig manghead-to-foot.
•mga magjowa na naglalandian.
•mga pasaherong all eyes sa isang pasaherong may katawag sa cellphone.
•mga pasaherong nagsisilabasan o nagpapasaikatan ng phone mapa iphone, galaxy man, o blackberry.
•mga pasaherong inip na inip nang bumama dahil malalate na sa klase.
•mga pasaherong hirap na hirap umusog dahil sa kakaunting espasyo ng upuan.
•mga pasaherong kay dami-daming dalang gamit na tila binuhat na lahat ng gamit sa bahay.
•mga nakakainis na pasahero dahil sa malakas na kili-kili powers.
•mga pasaherong galit dahil sa binging driver.
•mga estudyanteng first time sumakay sa jeep na nagtuturuhan kung sino ang magpapara.
•mga magkakaklase na first time magkitakita sa jeep at tila nagreunion sa loob ng jeep usap dito usap diyan.
•mga nakakatawang stickers sa jeep. (hal. bawal manyak)
•mga bagong paandar ng mga jeepney driver . (hal. wifi on board ,doorbell ang gamit upang pumara)
• mga natutulog na pasahero na nakikisandal sa balikat mo.
•jeep na kaylakas-lakas ng preno o kung minsan naman kaylangan pang ipadyak ang preno ng limang beses o kaylangan pang bombahan dahil nawawalan ito ng preno.
•nakakainis na kundoktor dahil pinipilit na sampu-sampu ang dati'y siyam-sjyam na jeep.
Ilan lamang ito sa mga kaganapan sa jeep na aking napapansin at karamihan dito ay aking nararanasan. At sa aking paningin masasabi kong isa sa mga pinakamatahimik na lugar ang jeep marahil talo pa nito ang library subalit ito rin ung kumbaga pinaka awkward na lugar sapagkat dito nagkakasalubong ang mga ibat-ibang tao na may ibat-ibang personalidad.
#this is one of my ass./ activities in sociology 1 under mr. yumul
#we were required to ride on a jeepney and list all the happenings inside.


photo credits to: BBC News
http://news.bbcimg.co.uk/media/images/69011000/jpg/_69011605_saraobro

You Might Also Like

0 comments

Flickr Images

Popular Posts

Subscribe